Puno ng kagubatan
PUNO NG KAGUBATAN
Ang puno ng kagubatan ay dapat na pangalagaan sapagkat dito naninirahan ang mga klase klaseng hayop dahil para sa kanila ang kagubatan ang pinaka maayos na lugar kong saan sila ay ligtas at madaling makahanap ng pagkain.
ngunit sa kabilang bahagya hindi lamang hayop ang nakikinabang dito kundi pati narin tayong mga tao dito tayu kumukuha ng materyales na ating kakailanganin sa pag gawa ng mga bahay o estraktura pagkain at iba pa ang kagubatan ang syang nagbibigay ng sariwang hangin sa atin ito rin ang pumipigil sa mga lupa sa pag guho.
Ngunit Ang mabilis na pagkasira at pagkaubos ng ating kagubatan ay isang malaking suliranin. Nakakalbo ang ating mga kagubatan bunga ng walang pakundangang pagputol sa mga puno ng mga magtotroso at magkakaingin. Dapat itong bigyan-pansin ng namumuno sa ating pamahalaan. Ang unti-unting pagkaubos ng ating kagubatan ay bungga ng pang-aabuso ng tao sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ilegal na pagtotroso, pagputol ng mga puno na bata pa at pagkakaingin. Ang mabilis na pagkasira at pagkaubos ng ating kagubatan sanhi ng iba't ibang dahilan ay isang malaking suliranin na dapat bigyang pansin ng namumuno sa ating pamahalaan.
Sa ating bansa, unti-unti na nating nararamdaman ang epekto ng pagkaubos ng mga puno sa kagubatan. Bunsod nito ang flashflood na naganap sa iba't ibang lalawigan na kumitil ng maraming buhay at sumira ng milyon-milyong halaga ng ari-arian. Ang pagkaubos ng maiilap na hayop at mga endangered species, pagbaba ng water level sa mga dam at ilog, at ang pag-init ng kapaligiran ay ilan din sa mga epekto ng pagkalbo ng kagubatan.



Mga Komento
Mag-post ng isang Komento